CITIZEN'S CHARTER
PROVISION OF SENIOR CITIZEN’S IDENTIFICATION CARD
PROVISION OF SENIOR CITIZEN’S IDENTIFICATION CARD
The Municipal Social Welfare and Development Office offer the service of providing senior citizen’s identification card to individual ages 60 years old and above. The identification card issued can be utilized to avail the privileges and benefits of Senior Citizens as stated in the Republic Act 9257. Continuous advocacy to the existing commercial establishment in the areaas to be made to ensure that services due to the Senior Citizen are followed and implemented.
CLIENT:
Senior Citizens who are Filipino and 60 years old and above.
REQUIREMENTS:
Any of the following:
a. Birth Certificate
b. Community Tax Certificate/Sedula
c. Registration Form
The MSWDO/LGU shall likewise provide financial assistance or birthday gift to all senior citizens’ during their birth month amounting to Php 1000,00.
Process of Availing the Service
Accomplish the application form. Ensure the correctness of the date entered.
Provide the newly issued Senior Citizens Card and prepare the purchase slip to be utilized in the purchase of medicines. Ensure the signature of the senior citizen’s in the log book.
CENTENARIAN
SAN JUAN, BATANGAS – Masaya at magiliw na pinuntahan at binisita ng mga kawani ng MSWDO at ni Gng. Leonila B. Clanor, OSCA Head ang bahay ng isang 107 taong gulang na si Nanay MELQUIADES sa Brgy. Quipot noong ika-18 ng Oktubre, 2022.
Ang naturang pagbisita ay pinangunahan ng mga kawani na sina Jeanalyn B. Bisa, Nemia Perez, Delite L. Bautro at Fe B. Reyna ng nasabing tanggapan sa pamumuno ni G. Arnold Enriquez kaagapay ang Barangay Kagawad ng Quipot na si Mario Alayon at nakabuo ng isang lathalain ang TEAM 107.
TANGLAW AT LIWANAG
“Happy Birthday to you….Happy Birthday to you!!!Happy Birthday, Lola Melquiades”.
“Happy 107th blessed years!” (ika-18 ng Oktubre, 2022)Iyan ang masasaya at malalakas na pagbati ng mga anak, mga apo, mga kamag-anak at mga kaibigan ni LOLA MELQUIADES HIDALGO SEVILLA noong ika- 18 ng Setyembre, 2022 sa kanilang tahanan sa Brgy. Quipot, Ang kanyang asawa ay si Tomas Sevilla, isang magsasaka na namatay noong ------. Sila ay biniyayaan ng pitong (7) anak na sina Nicasio, Miguela, Bamby Luz (Deceased), Marianito, Exaltacion, Ofelia at Elmer.
Bilang may-bahay at ina ng kanilang mga anak ay itinuro ni Lola Nanay ang pagiging masipag at malinis sa sarili at maging sa iba pang bagay. Batay sa panayam sa kanya nakaharap ang tatlo niyang anak na sina Marianito, Exaltacion at Ofelia, kung mayroon mang relasyon sa mundo na pang habangbuhay, ito ay ang relasyon nila sa kanilang ina. Kahit ano pa man ang kinahinatnan ng kanilang buhay, nakasama man nila nang matagal o napunta sila sa ibang pamilya, hindi maiaalis na ang kanilang buhay ay pinagbigkis ng tadhana simula pa lamang ng unang araw nila sa mundo.
Walang kaparis ang sayang dulot ng pagiging ina. Para sa maraming kababaihan, ito ay katuparan ng kanilang mga pangarap at ang pagkakaroon ng kabuluhan ng kanilang pananatili sa daigdig. Nagpapasalamat ang kanyang mga anak sa pag-iingat at pagmamahal nito habang sila ay na sa kanyang sinapupunan sa loob ng 9 na buwan hanggang sa sila ay lumaki, nag-aral at nagkaroon na din ng sari-sariling pamilya. Ang pagbibigay ng buhay sa isa o ilan pang mga supling ay ang misyong ibinigay sa kanila ng Diyos upang mapanatili ang masaya at mahabang lahi ng isang pamilya.
Para naman sa mga anak, isang napakasayang karanasan ang maaruga ng taong nagsilang sa iyo. Mula sa mga una ng buhay mo –unang araw ng pagsasalita, unang araw ng paglalakad, unang araw sa eskwela, at iba pa - ay isang karanasang walang katumbas na halaga. Ang mga bagay na iyan ay nagampanan at naipadama niya sa kanyang mga anak.
AT NGAYON…Nanginginig na ang kaniyang mga pasmadong daliri. Tila giniginaw ang mga kamay – mga kamay na umakay sa kanila noong mga unang araw ng kanilang pagtuntong sa eskwela; mga kamay na pinagkukunan nila ng isang libo’t isang lakas upang mabuhay. Nakakurba na ang kaniyang tindig. Nagmistulang kawayang nakayuko ang kanyang likod – mga likod na natutuyuan ng pawis sa pagtatanim, paggawa ng mga gawaing bahay at pag-aaruga sa kanyang mga anak. Ipinadama at ipinakita rin niya ang pagiging mabait at pagbibigay ng buong suporta kahit may pamilya na ang kaniyang mga anak.
Kulubot na ang noo niya kapag tumitingin sa kaharap at kausap. Parang laging may inaaninag ang mga mata – mga matang lagging nakasulyap habang sila ay natutulog; mga matang nagmamasid at nagbabantay mula sa kanilang pagsilang hanggang sa kanilang paglaki. Mahina na ang kaniyang pandinig. Parang barado na ang kaniyang mga tainga – mga tainga ng dumirinig sa kanila kapag may nakagawa o nanakit o nag-agrabiyado ang mga kalaro; mga taingang nakahandang making sa oras ng kanilang mga balita, kwento at lalong higit sa mga suliranin, sakit at daing dahil sa kabiguan.
Mabagal na ang kaniyang paghakbang. Sa wari’y binibilang ng mga binti at paa ang bawat minutong lumilipas – mga binti at paa ng ginagamit niya upang masaklolohan ang kanyang mga anak sa mga panganib na sinusuong nila noong kanilang kabataan; mga binti at pang inaasahan nila upang makaraos sila sa araw-araw. Kulubot na ang kaniyang balat, ngunit hindi maitatago ang kanyang kasimplehan at kagandahan. Ang maamong mukha ay mababakas pa rin sa kanyang mukha na dati ay sinasabayan nang dahan-dahang pagmulat ng mata at napakatamis na ngiti. Luyloy na ang kaniyang mga dibdib. Nilipasan na ng panahon na ang dati’y pinagkukunan nila ng matimyas na kalusugan na nagbigay sa kanila ng lakas at tibay ng katawan sa pagsagupa sa mga karamdaman.
Binura na ng kulay puti ang mga itim sa kaniyang tuktok na tila abo sa kaniyang buhok. Mga buhok na malasutlang hinahawakan ng kanyang mga anak kapag sila ay kanyang pinatutulog. Mga buhok na sagisag ng mga taon at panahong ginugol niya sa pagmamahal at pag-aaruga sa mga anak niya.
Mahina na ang kanyang boses. Tila garalgal ng radio na walang signal ang kanyang tinig – mga tinig na pinagbuhatan ng maraming magagandang aral ng buhay na ibig niyang maging gabay sa pagkatao ng kanyang mga anak; tinig na puno ng pangaral na magagamit nila sa kanilang pagtahak sa sariling lakbayin sa buhay. Nakakatuwa lamang bagamat dinadaanan ng episode ng kanyang Alzhiemers ay pawing mga positibo ang umaatake sa kanya. Ilan sa mga ito ay ang pag-alaala sa kanyang apo na si Cita na nakasama at pinalaki niya (“Cita, halika nga dito.”), ang mga alaala ng kanyang mga anak at mga positibong episodes). Paglalambing ng paghingi ng mga pagkain tulad ng Chocolates, Monde Mamon (“Bigyan mo naman ako ng masarap-sarap diyan”).
Lupasay ang kanyang katawang mortal. Sa kanyang mga anak na napunta ang kanyang lakas – sapagkat pinagpala sila ni Lola Nanay. Nakatingala siya ngayon sa iyo…. patuloy nainaaninag ang kanilang mukha, hinahaplos ang kanyang mga anak at tinatapunan ng halik ng pagkagiliw at pagmamahal. Sa pagkat siya sa kanyang pagiging ina…. ay marubdob na nagnanais ng pag-aaruga, pagkalinga at pagmamahal ngayong nasa sa huling yugto na siya ng kanyang buhay.
Ang tanging sekreto ng mahabang buhay ni Lola Nanay ay ang pagkakaroon ng simpleng pamumuhay, simpleng eating lifestyle (isda, isdang Samaral at mga tanim na gulay at prutas sa kanilang bakuran) at disiplina. Higit sa lahat, malaking tulong din ang aspetong ispiritwal, sa edad na 106, nakakapagbasa pa siya ng Pasyon at tinatapos nito ang aklat at nakapagbabasa pa din ng Bibliya.
Ang pagtataguyod at pagmamahal ni Lola Melquiades sa kanyang mga anak ay hindi matatawaran at hindi mapapantayan ng anumang halaga at ng sinumang tao sa mundong ito.Mahalin natin ang ating mga ina!
“Siya si Lola Nanay, ilaw ng tahanan na may busilak na puso at walang kundisyon ang pagmamahal sa kanyang mga anak at mga apo. Hindi man magampanan na ngayon ni Lola Nanay ang mga tungkuling dati niyang ginagawa, ang mga aral at mga pangaral niya ang magsisilbing gabay, tanglaw at nagbibigay ng liwanag sa kanilang tahanan”.
MABUHAY PO KAYO, LOLA MELQUIADES HIDALGO SEVILLA!!!